Huwebes, Marso 29, 2012

Wikang Tagalog


Ang Wikang Tagalog na kilalala rin sa mas simpleng pangalang Tagalog, ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto ("sa katunayan") ngunit hindi de jure ("sa batas") na batayan na siyang pambansang wikang Filipino (mula 1961 hanggang 1987: Pilipino]). Sinasalita rin ito sa Hilagang Kapuluang Mariana, kung saan ang mga Pilipino ang pinakamalaking pangkat etnolingwistiko. Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ang pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman halos nasa Ingles ang buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino, kasama ng Ingles, isa ang Tagalog sa kasamang-opisyal at tanging pambansang wika sa Pilipinas. Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o "tunay na wika" sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino nasa labas ng Pilipinas. Subalit, habang kalat ang Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang Ingles, sa iba't ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng pamahalaan at kalakalan. Tinatawag namananagalog o mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at kaalaman sa pananagalog.
Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, galing sa unlaping tagá- na nangangahulugang "katutubo ng" na idinagdag sa harap ng salitang ilog, kaya't may ibig sabihing "mga taong naninirahan sa tabi ng ilog." Walang mga halimbawang kasulatan ng orihinal na Tagalog bago dumating ang mga Kastila. Sinasabi ng ilan na marahil sinunog ng mga unang paring Kastila ang mga ito, dahil sinasabi ring masademonyo ang mga halimbawang ito. Kakaunti lamang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng wikang ito, ngunit sa haka-haka ng mga dalubhasa sa pananalita, katulad nina Dr. David Zorc and Dr. Robert Blust, nagmula ang mga ninuno ng mga Tagalog sa hilagang-silangang Mindanao o sa silangang Kabisayaan, kasama ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-Gitnang Pilipinas.
Ang Doctrina Cristiana (Doktrinang Kristiyano) ang pinakaunang aklat na naisulat sa Tagalog, na inakdaan noong 1593. Nakasulat ito saKastila at dalawang uri sa Tagalog: nakasulat ang una Baybayin habang ang sa mga titik ng Latin naman ang isa. Pinaniniwalaang hinango rin ang Tagalog mula sa salitang taga-irog dahil kilala ang pangkat ng mga kayumangging ito sa pag-irog sa sinisintang kabiyak at sa pagiging tapat din sa pakikipag-ugnayan sa pinili niyang makakasama sa buhay. Batay ito sa isang nakaraang kaganapan, noong may higit pang katinuan at takot sa Diyos ang mga tao. May kaugnayan ang salitang ito sa isang kasabihang Tagalog na "mahirap mamangka sa dalawang ilog (o irog). Wala pang nailathalang aklat na nagsasabi kung gaano katanda ang wikang Tagalog, subalit may dokumento o kasulatang nakalimbag sa tanso na nagpapatunay na ang isang matandang uri ng wikang pinagmulan ng wikang Tagalog ay umiiral at ginagamit na mahigit sa isang libong taon nang nakalipas. Ito ang limbag sa Tanso ng Laguna ng taong 822 A.D., isang bagay na patuloy pang inuusisa at pinag-aaralan ng mga nagdalubhasa sa wika. Ipinapalagay na sangay na kauri ng wikang Tagalog ang iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas, at patuloy pa ring ginagamit ang mga ito sa bawat rehiyon at mga lalawigan ng bansa. Nang dumagsa ang mga Kastila sa kapuluan ng bansang ito, nasumpungan nila na may kabihasnan na dito: na may wika, panulat na baybayin, at mga payak na lipunang may pinunong tinatawag na datu ng bawat pangkat o barangay. Sa pagtuturo ng mga dayuhan ng kanilang kaalaman mula saEuropa, nahubog ang kaisipan at kalinangan Pilipino sa kaisipang dayuhan, na nagpatuloy hanggang sa pagdagsa sa bansa ng mgaAmerikano at mga Hapones sa paglipas ng mga panahon. Sa kabila ng impluwensiyang ito, nakilala ang wikang Tagalog bilang isang pambansang wika na nakalalamang sa ibang mga diyalekto, at naging higit din sa mga wikang Ingles at Kastila.
Panitik ng baybaying Tagalog o ang alibata.
Sa kahabaan ng 333 taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, mayroon mga nasulat na mga pambalarila at mga talahuluganan ang Kastilang kaparian katulad ng Vocabulario de la Lengua Tagala ni Pedro de San Buenaventura (Pila, Laguna, 1613), Vocabulario de la lengua tagala (1835) at Arte de la lengua tagala y manual tagalog para la administración de los Santos Sacramentos (1850). Itinuturing angmakatang si Francisco Baltazar (1788–1862) bilang pinakamahusay na manunulat na Tagalog. Ang Florante at Laura ang kaniyang pinakabantog na akda, na naisulat noong ika-19 daantaon.
Noong 1937, napili ng National Language Institute ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas. Noong 1939, tinawag niPangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang ang Wikang Pambansa. Noong 1959, muli itong pinangalanang Pilipino ni Jose Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon, upang mabigyan ang Tagalog ng isa pambansang tatak at diwa, sa halip na pangpangkat etniko lamang. Subalit hindi nagresulta ang pagpapalit ng pangalan ng Tagalog sa pagtanggap, sa diwang nakadarama, ng mga hindi Tagalog, partikular na ang mga Sebwano, na hindi sumang-ayon sa pagkakapili ng Tagalog bilang wikang pambansa.
Noong 1971, muling binalikan an paksang pangwikang ito, at may isang kinalabasang kasunduan— isang "makapandaigdigang" gawi sa pagkakaroon ng wikang pambansa, na tatawaging Filipino, sa halip na Pilipino. Nang ibalangkasa ang bagong konstitusyon ng 1987, tinawag na Filipino ang wikang pambansa.] Nilahad ng konstitusyon na habang umuunlad at nagbabago ang wikang Filipino, lalo pa itong pauunlarin at pagyayamanin batay sa buhay na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Ang paggamit ng Tagalog sa Pilipinas

Ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o "pangkaraniwang wika" (o "tunay na wika") sa Pilipinas, subalit ang Ingles ang ginagamit sa mga paaralan at sa pangkalakalan, pati na rin sa bugkos ng pamahalaan. Isa ang wikang Tagalog sa una at may mataas na uri ng wika sa kapuluang Pilipinas. Isa sa patunay ng kagulangan o katandaan nito ang lathalainKasulatang Limbag sa Tanso-laguna o LCI (822 A.D.), na bagama't may pagkakaiba ang anyo sa kasalukuyang Tagalog, may patunay na ito nga ang inang wika ng makabagong Tagalog sa Pilipinas. Nagpayabong at nagpayaman sa wikang Tagalog ang lawig ng panahon ng pakikipag-ugnayan ng kabihasnang tagalog sa iba't-ibang lahi ng mga taong nakarating sakapuluan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang wikang Tagalog ang siyang kinikilalang pangkaraniwang wika, at ang pambansang wika ng Republika ng Pilipinas. Sumusunod rito ang mga wika ng bawat rehiyon ng bansa, katulad ng HiligaynonSebwanoBikolanoIlokanoKapampanganPangasinan, at iba pa .

Lunes, Marso 19, 2012


Anyo at sangkap ng komunikasyong pantao

Nakikipagusap ang mga tao upang maipamahagi o maitukoy ang karanasan at kaalaman ng bawat isa. Maaari din na intrapersonal ointerpersonal ang komunikasyon. May mga ilang teoriya ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao. Ito ay isang sistemang pagkaiintindihan sa bawat taong nagkakaintindihan. Maaari na intensyonal o di intensyonal, interaktib, transaktib,ang komunikasyon; maaari din na di pasalita o pasalita ito. puwede rin intrapersonal o kaya'y interpersonal ang komunikasyon pantao. May mga ilang paktor ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao.


Teknolohiya ng komunikasyon

Sa telekomunikasyon, nangyari sa pinakaunang transatlantic na pamamahayag gamit ang two-way radio noong Hulyo 251940(Tingnan din: semaphoretelegraphytelephony, at radioteletype- kilala din bilang Public Switched Telephone Network, communications satellites,ethernet, at ang internet - isang network ng mga kabit-kabit na computer network.)
Habang bumabalangkas ang teknolohiya, kailangan din bumalangkas ang communication protocol; halimbawa, kailangang matuklasan niThomas Edison na kaunti lamang pagiging ambiguous ng pagbati ng hello sa pamamagitan ng boses sa malayong distansya; di maintindihan o nawawala ang transmission ng mga naunang pagbati katulad ng hail.
Maaaring paghiwalay ang pagkomunikasyon ng bawat tao sa iba't ibang larangan sa pagtubo ng palitang kaisipan sa pagitan ng maliliit na numerong ng tao (debatetalk radioe-mailpersonal na sulat) at sa mga malawak na pagkakalat ng isang payak na mensahe (ugnayang pampublikotelebisyonpelikula).
Hindi nagtatapos sa salitang ugat ng Latin na "communicare" ang pagkakautang natin sa mga Romano sa larangan ng komunikasyon. Sila ang kauna-unahang gumawa na maaari nating tawagin na tunay na sulat o sistemang koreo upang gawing sentro ang pagkontrol sa buongimperyo ng Roma. Dahil sa sistemang ito, madaling natipon ng Roma ang kaalaman ukol sa kaganapan ng karamihan sa kanilang laganap na lalawigan.
Isang mahalagang usapin sa komunikasyong gamit ang kompyuter ang virtual management.
Nagbabago ang komunikasyon sa pagunawa nito. Habang nagbabago ang mundo, nagbabago din ang paraan kung paano makipag-usap at mag-organisa. Sa katotohanan, ang pagbabago sa teknolohiya ng komunikasyon ang gumagawa sa pinakamalimit at laganap na pagpababago ng pilipino - tignan natin ang halimbawa ng pagtaas ng gamit ng web cam chat at iba pang biswal na komunikasyon na gumagamit ng network sa pagitan ng mga magkakalayong tao.

[baguhin]Mga hadlang sa komunikasyon

Communication apprehension ang tawag sa komunikasyon na may kasamang pagkabalisa. Maaring naimpluwensiyahan ng sariling-pagkakilala ang pagkabalisang iyon. At saka, maaari din maging sagabal sa komunikasyon ang bypassing (lumalagtaw), diskriminasyon atpolarisasyon. Isa sa mahalagang hadlang sa maraming pook sa mundo ang pagkabigong ibahagi ang karaniwang wika.


Detalyadong artikulo
Anyo at sangkap ng komunikasyong pantao

Nakikipagusap ang mga tao upang maipamahagi o maitukoy ang karanasan at kaalaman ng bawat isa. Maaari din na intrapersonal ointerpersonal ang komunikasyon. May mga ilang teoriya ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao. Ito ay isang sistemang pagkaiintindihan sa bawat taong nagkakaintindihan. Maaari na intensyonal o di intensyonal, interaktib, transaktib,ang komunikasyon; maaari din na di pasalita o pasalita ito. puwede rin intrapersonal o kaya'y interpersonal ang komunikasyon pantao. May mga ilang paktor ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao.


Teknolohiya ng komunikasyon

Sa telekomunikasyon, nangyari sa pinakaunang transatlantic na pamamahayag gamit ang two-way radio noong Hulyo 251940(Tingnan din: semaphoretelegraphytelephony, at radioteletype- kilala din bilang Public Switched Telephone Network, communications satellites,ethernet, at ang internet - isang network ng mga kabit-kabit na computer network.)
Habang bumabalangkas ang teknolohiya, kailangan din bumalangkas ang communication protocol; halimbawa, kailangang matuklasan niThomas Edison na kaunti lamang pagiging ambiguous ng pagbati ng hello sa pamamagitan ng boses sa malayong distansya; di maintindihan o nawawala ang transmission ng mga naunang pagbati katulad ng hail.
Maaaring paghiwalay ang pagkomunikasyon ng bawat tao sa iba't ibang larangan sa pagtubo ng palitang kaisipan sa pagitan ng maliliit na numerong ng tao (debatetalk radioe-mailpersonal na sulat) at sa mga malawak na pagkakalat ng isang payak na mensahe (ugnayang pampublikotelebisyonpelikula).
Hindi nagtatapos sa salitang ugat ng Latin na "communicare" ang pagkakautang natin sa mga Romano sa larangan ng komunikasyon. Sila ang kauna-unahang gumawa na maaari nating tawagin na tunay na sulat o sistemang koreo upang gawing sentro ang pagkontrol sa buongimperyo ng Roma. Dahil sa sistemang ito, madaling natipon ng Roma ang kaalaman ukol sa kaganapan ng karamihan sa kanilang laganap na lalawigan.
Isang mahalagang usapin sa komunikasyong gamit ang kompyuter ang virtual management.
Nagbabago ang komunikasyon sa pagunawa nito. Habang nagbabago ang mundo, nagbabago din ang paraan kung paano makipag-usap at mag-organisa. Sa katotohanan, ang pagbabago sa teknolohiya ng komunikasyon ang gumagawa sa pinakamalimit at laganap na pagpababago ng pilipino - tignan natin ang halimbawa ng pagtaas ng gamit ng web cam chat at iba pang biswal na komunikasyon na gumagamit ng network sa pagitan ng mga magkakalayong tao.


Mga hadlang sa komunikasyon

Communication apprehension ang tawag sa komunikasyon na may kasamang pagkabalisa. Maaring naimpluwensiyahan ng sariling-pagkakilala ang pagkabalisang iyon. At saka, maaari din maging sagabal sa komunikasyon ang bypassing (lumalagtaw), diskriminasyon atpolarisasyon. Isa sa mahalagang hadlang sa maraming pook sa mundo ang pagkabigong ibahagi ang karaniwang wika.

://www.google.com.ph

Huwebes, Marso 15, 2012


Pandaigdigan na ba ang Wikang Filipino?

DAHIL SA pangingibang-bayan ng maraming Pilipino, lumalaganap din ang wikang Filipino sa iba’t ibang panig ng mundo. Subalit bago ito tuwirang tawaging isang wikang pandaigdig, kailangan munang tumugon sa ilang katangian ang wikang Filipino.
Ito ang naging buod ng panayam na “Ang Wikang Filipino Bilang Wikang Pandaigdig” na idinaos sa pagbubukas ng 2007 Sawikaan sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman noong Agosto 2. Nagsalita sa panayam na ito sina Dr. Florentino Hornedo, propesor ng panitikan at pilosopiya sa UST Graduate School, at Dr. Elynia Ruth Mabanglo, makata at propesor ng panitikang Filipino sa University of Hawaii.
Mahahalagang katangian
Nilinaw ni Hornedo, na dating komisyoner sa Komisyon ng Wikang Filipino, ang pagkakaiba ng wikang internasyonal sa wikang pandaigdig. Aniya, tinutukoy ng una ang pagiging midyum ng komunikasyon ito sa ibang bansa samantalang ang pangalawa naman ay isang manipestasyon sa antas ng paggamit nito sa iba’t ibang mga larangan
“(Kapag sinabing) wikang internasyonal, ang ibig sabihin nito ay ang paggamit ng Filipino bilang wika na tumatawid sa hangganan ng mga kultura. Isang antas ito ng pagiging pandaigdig ng wika, na nagbibigay ng anumang larawan ng kung gaano kalaki ang impluwensiya ng wika sa mga gumagamit nito,” paliwanag ni Hornedo.
Kailangan namang tumugon ang isang wika sa dalawang pamantayan bago ito maituturing pandaigdigan, ani Hornedo. Ang una ay ang laganap na paggamit nito sa loob at labas ng bansang pinanggalingan.
“Ang kinaroroonan ng mga gumagamit ng wika ay (dapat isaalang-alang). Kahit isang milyon lamang ang gumagamit ng Filipino sa labas ng Pilipinas, masasabi nating lingguwaheng pandaigdig ito, sapakat ginagamit sa labas ng bansa,” paliwanag ni Hornedo.
Kanya ring ipinagdiinan na bukod sa heograpiya, mahalaga ring salik sa pagiging pandaigdigan ng isang wika ang antas ng paggamit dito ng mga tao.
“Samakatuwid, kahit ang lahat ng mga naglilinis ng kubeta sa mundo ay gumagamit ng Filipino, ang antas ng paggamit na iyan ay marahil ay kaugnay lamang sa paggamit ng kubeta,” paliwanag ni Hornedo. “Ngunit kung mga propesor na ang gumagamit ng Filipino, sa kanilang pagtuturo, ay ibang antas naman iyon.”
Kaugnay rito, binigyang-pansin ni Hornedo na pawang mga akademiko ang mga dayuhang gumagamit ng wikang Filipino.
Aniya, “Kung titingnan ninyo ang mga taga-ibang bansa na gumagamit ng Filipino, (sila ay) mga propesyonal. Kung hindi man mga propesyonal sa larangan ng wika, kadalasan ay mga propesor sa kultura.”
Sa loob at labas ng bansa
Nagbigay naman siya ng apat na halimbawang nagpapatunay na maaaring isa nang wikang global ang Filipino. Ang mga ito ay a.) kapag nakipag-usap ang isang Pilipino sa isang dayuhan gamit ang Filipino dito sa bansa; b.) kapag nakipag-usap ang isang Pilipino sa isang dayuhan gamit ang Filipino, sa ibang bansa; c.) ang pakikipag-usap ng isang banyaga sa kapwa banyaga gamit ang Filipino dito sa Pilipinas; at d.) ang paggamit ng banyaga ng Filipino upang makipag-usap sa kapwa banyaga sa ibang bansa.
Ani Hornedo, maaaring mapansin ang unang halimbawa sa larangan ng negosyo kung saan nakikipag-ugnayan ang isang mamimiling Pilipino sa mga negosyanteng dayuhan, gaya ng mga Tsino.
“Mayroon din mga Instik, na dahil naninirahan na sila rito at hindi na marunong mag-Intsik, pag kausap nila ang kapuwa Intsik, kung minsan ay Filipino na rin ang ginagamit,” paliwanag ni Hornedo.” Lalo na kapag ang Intsik na dayuhan ay natutuhan na ring gumamit ng Filipino.”
Samantala nangyayari naman ang ikalawang halimbawa kapag nagkakataong nag-usap sa ibang bansa ang isang Pilipino at dayuhan at kapwa silang nagnanais matutong magsalita nito. Ayon pa kay Hornedo, bunga rin ito ng hangarin ng ilang Pilipinong lumaki na sa ibang bansa na matuklasan muli ang kanilang pinagmulang kultura.
“Maraming Pilipino ang naghahanap ng pagkakataong gumamit ng Filipino dahil gusto nilang magkaroon ng tinatawag na ugat, kahit na sila ay hindi na mamamayan ng Pilipinas,” ani Hornedo.
Bihira naman ang mga sitwasyon na kung saan ginagamit ng mga dayuhan ang Filipino upang makipag-usap sa kapwa dayuhan dito sa Pilipinas, paglalahad ni Hornedo. Aniya, makikita lamang ito sa mga umpukan ng mga dayuhang magkakakilala sa isa’t isa.
“Banyagang nakikipag-usap sa banyaga, (gamit ang Filipino) dito sa Pilipinas, bihira ang ganoon. Dalawang ulit lang ako nakakita ng dalawang banyaga na nag-uusap ng Tagalog o Filipino sa palengke, “ ani Hornedo.
Makikita naman ang ikaapat na halimbawa sa mga pamantasang nag-aalok ng kurso sa wika na kung saan nag-aaral ng wikang Filipino ang ilang interesadong dayuhan, paglalahad ni Hornedo.
“Mayroon din namang mga banyaga na kumakausap sa kapwa banyaga, (gamit ang Filipino) sa ibang bansa, lalong lalo na sa mga pamantasan, sapagkat nag-aaral silang matutunan ito,“ paglalahad ni Hornedo.
Kaugnay rito ay kanyang inilahad ang naging karanasan niya sa pagtuturo sa Tsina. Ani Hornedo, nagkaroon siya ng 12 estudyanteng nag-aaral ng Filipino na bahagi ng kanilang kurso sa broadcasting. Subalit sa kinalaunan ay pumasok na lamang ang mga ito sa negosyo. Gayunpaman, dagdag niya, napakinabangan nila ang kanilang mga natutunan dahil ang ilan sa kanila ay nagtrabaho sa mga kompanyang gumagamit ng wikang Filipino.
Ang Filipino at ang diaspora
Samantala, tinalakay naman ni Mabanglo ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa “diaspora” o mga pamayanang Pilipino sa ibayong-dagat. Aniya, mayroong tatlong larangan kung saan makikita ang bisa ng Filipino bilang isang wikang pandaigdig: komunikasyon, kabuhayan at seguridad.
Mapapansin ang unang aspeto sa pag-usbong ng mga makabagong paraan ng komunikasyon na gumagamit ng wikang Filipino bilang midyum ng komunikasyon, paglalahad ni Mabanglo.
“Sa Internet, libo-libo ang mga blogs, websites at talastasan e-mails na gumagamit ng Filipino,” ani Mabanglo. “Ang The Filipino Channel naman ay may kabuuang 1 million subscribers sa Estados Unidos lamang. (Samantalang) ang mga pelikulang Pilipino naman ay malawakang naipagbibibli sa DVD format, at inilalahok pa sa iba’t ibang film festivals sa mundo,” dagdag niya.
Samantala, ang wikang Filipino ay nagagamit na rin bilang kasangkapan sa negosyo. Ayon kay Mabanglo, patunay rito ang pag-usbong ng mga tindahan, konsiyerto at patalastas sa ibayong-dagat na nakatuon sa mga mamimiling Pilipinong nakatira roon. Inilahad din naman niya na pinag-aaralan na ang Filipino pati na ng mga sundalong Amerikano bilang bahagi ng kanilang mga istratehiya sa seguridad ng Estados Unidos. Ani Mabanglo, bahagi ito ng kanilang pagsasanay bago sila ipadala sa Pilipinas. Dagdag din niya na inaalok na rin ang pag-aaral ng Filipino bilang isang kurso sa ilang pamantasan sa Estados Unidos katulad ng University of Hawaii, Cornell University, University of Wisconsin at University of California.
Sa mga puntong tinalakay nina Hornedo at Mabanglo, makikitang nasa dahang-dahang ebolusyon ang Filipino bilang isang ganap na wikang pandaigdig. Subalit nakasalaylay pa rin ang pag-unlad na ito sa aktibong paggamit ng mga Pilipino sa wika sa iba’t ibang mga larangan. Ayon pa sa dalawa, ang mga nagtataguyod ng wika upang mapasimulan ang gawaing ito ay hindi na dapat umasa lamang sa pamahalaan.
“Kaya hindi ka na dapat maghintay sa gobyerno. (Sa halip) lumikha kayo ng mga programa kung talagang mahal ninyo ang wika at pagkatapos ay hikayatin ninyo ang gobyerno na tumulong doon sa may maitutulong (ito),” ani Hornedo.
Sang-ayon naman dito si Mabanglo nang kaniyang sabihing, “Masasabi (namang) hindi maiiwasan na magiging global na wika ang Pilipino sa malapit na hinaharap. Ang tanong, handa na ba ang mga kinauukulan dito?” Ruben Jeffrey A. Asuncion
Tomo LXXIX, Blg. 3 • Setyembre 7, 2007