Sabado, Marso 10, 2012

Ano ang Filipino at Kasaysayan?

Ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang wikang Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto na pamantayang bersyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure itong iba rito.


 Kasaysayan
 
Noong Nobyembre 13, 1937, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang wikang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:[1]
  1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
  2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
  3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
  4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabisera ng pampulitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
  5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.
Noong 1961, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.” Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages (emphasis added).” Tiniyak pa ng isang resolusyon[2] noong Mayo 13, 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Lungsod Davao.

Mga naiibang pananaw at panukala

Bagaman naitakda na sa Saligang Batas at mga kaugnay na batas ang sariling katangian ng Filipino, may nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung ano dapat ang maging katangian ng wikang Filipino. Gayumpaman, nararapat itong maibukod sa mga nagdaraing lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay de facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng Filipino ay sa katotohanan ang paggamit ng Tagalog.

http://.google/tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipino

Ano ang kaibahan ng Pilipino sa Filipino?

Pilipino…? Filipino…? Marami ang nalilito. Alin daw ba ang dapat gamitin sa dalawa? Sabi ng iba, kapag ang tinutukoy ay ang mga mamayan ng Pilipinas, Pilipino ang ginagamit. Samantala kapag ang wika naman ang tinutukoy, Filipino ang nararapat (kapag sa wikang Ingles, parehong Filipino ang gonagamit, tao man o wika ang tinutukoy.) Ito ang tama ngunit kung minsan , dala ng pagmamadali o dili kaya ay kawalang ingat, nagkakapalitan ang gamit nito.
Ayon sa KWF Resolusyon Blg 96-1, Agosto 26, 1996: “Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraa sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal at sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.”
Ang Filipino sa pangkalahatang kahulugan ay maaring tao, lahi, asignatura at wika. Ang Pilipino ay ang nakagawian o nakasanayan na at dating panawag noong wala pa ang F sa ortograpiyang Filipino. Ito ngayon ay tinatanggap na.

 http://siningngkomunikasyon.wordpress.com/2009/04/09/ano-ang-kaibahan-ng-pilipino-sa-filipino/








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento